KA-BLOGS! 150+ and Counting!
Isang buwan na po ang nakakalipas magmula ng magstart aggregating ang KABLOGS - Blogs ng Kabayan sa Abroad
Bukas po ang kanyang isang buwang kaarawan and we are happy to report na ang independent blog aggregator na ito ay free ng ads at solely dedicated sa mga blogs ng mga kababayang Pinoy na OFW at Expats Bloggers sa buong sulok ng mundo.
Ang pinakagoal po natin ay umabot ng atleast 1000 bloggers sa listahan although naisip ko rin po baka bumagal ang loading sa dami na yan kaya nagaaral ako sa html paano ko mapapabilis ang loading kung sakali mang umabot tayo ng ganung bilang.
150 + na po ang kabuoang bilang ng listahan, at patuloy pang dumarami. Pinakamarami ang Asia and the Pacific, sumunod ang US, pero kung pagsasamahin ang Saudi Arabia at buong Middle East, mas pinakamarami ang mga OFW bloggers sa Middle East.

Alam kong mas marami pang blogs na hindi ko pa nasasagap, natitisod, nakakalkal, nahahagilap, at inaamin ko kahit anong anting anting ang gagamitin ko, kung wala sa tulong niyo, di ko mapapadami ng ganito karami.
Currently mga nasa 23-50 po ang visitors daily, naglalaro sa mga numerong iyan. Ang layunin ng blog aggregating site na ito ay para mapalawak ang scope ng mga pinoy bloggers at magkaroon ng one-stop-site para isang click lang papunta sa mga blogs ng mga kababayan after reading the snippets ng mga post nila.
Isa ako sa mga patuloy na nagsusubaybay sa site na ito kasi kada may new post automatic na nasa itaas ng bawat region. Sana magenjoy din po kayo.
Maraming salamat sa mga nagdisplay ng KABLOGS banner:
Alam ko marami pa na naglagay ng logo na di ko na naman mahagilap or matrace lahat lahat kaya please inform me para isali ko kayo sa link sa itaas.
This site as well as the OFW efforts to use the net para magenjoy at maibsan ang kalungkutan and magbigay saya, ligaya, at information sa mga kapwa OFW ay binati at memention ni Madam Ellen Tordesillas sa kanyang mga seminar sponsored by the Canadian Agency sa mga forum na heheld sa Davao at Baguio ayon po kanya.
Maraming salamat po Madam Ellen!
Maraming salamat po mga Kabayan!
Maraming maraming Salamat mga Ka-Blogs!
©2008 THOUGHTSKOTO







0 COMMENTS:
Post a Comment