DESERT AQUAFORCE DECLARED A BLOG WAR AGAINST ARVIN DE LA PENA

Make Your Blog Known to the Global Filipino Communities Around The World
Copy the code below, display in your Sidebar and we will link you here


Dearest The Pope,
Una sa lahat at kailangan bigyang-diin dito ay ang isyung kung paano hinaharap ng isang mabuting tao ang kaniyang mga “kaaway”. Naipakita mo ng lubusan na ang pagiging tao ay hindi lamang nasusukat kung ano ang naibibigay na materyal na bagay at mamahaling hiyas sa iba kundi manapa’y nasusukat sa pagiging bukas, handa at maginoo sa lahat ng uri ng sitwasyon maging ito ma’y mabuti o masamang pangyayari. Maraming daan ang maaaring lakaran ng isang tao sa mga panahong narito at umaatake ang mga kalaban. Ngunit sa nangyari, ang iyong piniling lakbayin ay isang daang maliwanag at nakapagdudulot ng kaligayahan hindi lamang sa puso ko’t damdamin ngunit pati na rin sa kaluluwa ng maraming nilalang.
Hihingi ako ng paumanhin sa iyo. Ito ang pangalawang isyu. Ipagpatawad mo ang kagaspangan ng ugali ni Mike Avenue. Siya’y isa lamang sa mga nilalalang na naghahanap ng kasagutan sa labas ng mundong kaniyang ginagalawan. Isa lamang siyang tao na katulad mo ay nagnanais na mabigyang-linaw ang kaniyang naguguluhang utak. Maaaring ito’y pagpapakita ng isang senaryo kung saan kailangang subukan muna bago mapatunayan. At sa mga pangyayari, buhat sa post na IGOROT hanggang sa artikulong TSOKOLATE, natagpuan ko ang mga kasagutan sa maraming mga tanong na umuukilkil sa aking katauhan. At dahil dito’y napasaalapaap ako ngayon. At utang na loob ko ito sa lahat. Partikular na nakita at naging isang aral sa buhay ko ang pagiging mapagkumbaba. Ipinakita mo ito ngayon at lubos na nabagbag ang aking damdamin.
ANg pangatlong isyu: Ang nangyari sa TSOKOLATE ay isang malaking aral din sa akin. Nalaman kong hindi pala ako nabubuhay ng mag-isa. At mas masarap mabuhay kung may mga kasama. Na ang reaksiyon sa mga post na aking isinusulat ay seryosong isinasadibdib ng marami. Na hindi lamang pala ako ang nasa mundo na ito kaipala’y maraming tao rin na kagaya ko ay maipawala sa madla ang mga nasa sa isip. Masakit isipin na sa tuwing makakakita ako ng aral, laging sa “hindi masyadong magandang sitwasyon” humahantong. Siguro nga’y kakambal ko ang kalungkutan at dala marahil ng katakot-takot na kasalanang nagawa ko sa ibang tao at sa Diyos. Naging adik at alcoholic ako noon. Laging gising at laging lasing. At sa dami ng mga pangyayaring nakaumang ang patalim ng kamatayan sa aking dibdib, laging iisipin ng sinuman kung bakit pa ako nabubuhay. Kung bakit ko pa pinipiling mabuhay. Ngunit pilit kong nilabanan ito sa abot ng aking makakaya. Naging mahina ako sa mga pagsubok noon ngunit pinagsumikapan kong maging matatag ngayon upang gapiin ang mga unos ng buhay. Nagtitiis man akong hindi magawa ang mga dati kong ginagawang bisyo na nakapagdudulot ng kaligayahan sa pisikal na aspeto, natutuwa narin ako sapagkat kahit paano’y nakakabawi na sa aking pamilya sa pamamagitan ng paglalakad ng tuwid.
Nakita ko na ang mabuting manunulat ay hindi nasusukat sa pagganti at pagiging barumbado. Ang “gulo” na inihatid ng isyung TSOKOLATE ay nakapagbigay ng maraming kaisipan. Tanggap ko na ngayon na ang ginawang paghamak at pag-aalipusta ni Kenji ng Thoughtskoto at ng iba pa sa akin ay isa lamang halimbawa ng reaksiyon. Na kung walang apoy ay siguradong walang usok. Hindi kasi ako nasanay na nakikibagay. Sapagkat lumaki akong walang pinagingimian at pinakikisamahan. Nasanay lagi na ako ang isinasaalang-alang ng aking kapwa at ako ang siyang pinakikibagayan dahil nasa sa akin ang pera. Noon na ang pera ay tila pinupulot lamang. Kung tutuusin, ang lahat ng post ko sa PINOY BLOG ay patungkol lahat sa akin at ako ang laging bida. Ang kasalanan ko’y ang pagnanais na maibato sa ibang tao ang lahat ng sisi at pagsalangsang.
Gusto kong ituwid ang lahat. Nais kong humingi ng tawad sa iyo. At sa lahat ng mga kasama. Hindi ko na iisa-isahin sapagkat sa dami ng may galit sa akin, baka hindi kumasya sa pahinang ito. Ipinaaabot ko ang taos puso kong paghingi ng kapatawaran. Sana’y maibahagi ninyo sa isang katulad ko ang isa pang pagkakataon.
Gusto kong magbago at tuwirin ang nilalakaran mo, The POPE at ng iba pang blogger. Nais kong tumawid sa kalsada ninyo at maging isa sa inyong mga kaibigan. Nakita ko sa nangyari na ang inyong pagkatao’y busilak at dakila. Nakita kong ang iyong hangarin ay makatulong sa iba na hindi naghihintay ng kapalit. Salamat at magandang araw.
Hanggang dito,
Mike Avenue
Request: Dahil sa pagnanais kong maibahagi ang aking karanasan sa iba at kapulutan ng aral at dahil sa wala na akong blog na maaaring paglagyan nito (binura ko iyon sa galit ko sa aking sarili. Akalain mong pati ang sarili ko ay nagagalit na rin sa sarili ko) nais kong mabigyan sana ito ng sariling post kasama ng iyong reaksiyon. Iyon naman ay kung mamarapatin lamang. Maraming maraming salamat po.
First of all, maraming mga kamangha-manghang posting at pagbabago sa PEBA homesite. May bagong project, ang PEBA ONLINE MAGAZINE, viewable online, downloadable and on a PDF format. Salamat sa effort ng team leader, si Ever ng Pamatay Homesick along with Dave ng Adhika Group.
Secondly, nakumpleto na rin ang mga profiles and pictures ng mga PEOPLE BEHIND PEBA
Thirdly, makikita mo ang mga screenshots ng mga winners last year sa kanilang respective page na 2008 Winners
That is all we can do for now. Magkikita pa kami ni Jon sa Thursday to finalize the website lay-out.
KABLOGS Suprises.
Marami-rami na rin ang miyembro ng KABLOGS, at nagpapasalamat ako sa effort ng
EL PRESIDENTE na si
Dungeon Lord at ang tawag sa misis niya Dungeon Lady
(CM, Naalala ko ang mga adventure and fantasy movies)
Ang kanang kamay niya si The Pope na inspired by Mrs. Pope.
(Oh, di ba, saan ka nakakita ng Pope na may Mrs. Haha)
Pinapakilala ko rin ang mga chairmans sa bawat committee
At dahil partner-partner ang mga tao sa itaas ayun sa aking pagpapakilala
Salamat din sa judging and loveteam committee
Si B1 and si B2, este si Poging Ilocano at si Gandang (Ilocana).
Ilocana ka rin ba Jen?
At syempre ang effort ni Jee the Pretty Princess kasama ang kanyang mga dwarfs
Naku, naging dwarfs sila Nebz, Boomz, Rio at Lenz. Haha
Salamat din kay Deth sa pangunguna sa mga projects sa OFW Supporters affairs, kung merong Department of Foreign Affairs, meron din kaming mga apir, apir! Hehe
And also salamat sa mga taong tumulong in one way or another, in small and simple ways para maging maayos ang pamimigay na gift ng KABLOGS.
Sa mga susunod na araw, malalaman niyo po ang gift ng KABLOGS sa mga OFW bloggers. It will be posted sa KABLOGS site, at sa KABLOGS STATION at maging sa mga members ng Elite Team..
It will truly be a surprise!
© Design by Ourblogtemplates.com Modified by LordCM January 2010
Back to TOP