Palau...Palau...Part 2


Kung gusto mo pumunta ng Palau, check mo muna tong Part 1, at itong mga sumusunod na bayarin na nakapagpapasakit ng ulo ng karamihang OFW dito.

Pagpalagay na nating susuweldo ka ng $600 sa isang buwan bilang isang regular na empleyado...
  • ROB Tax o ang tinatawag ng mga kababayan nating ROBBERY Tax - 6%, o 10% para sa mas mataas pang sahod
  • ROB SS o SSS kung tawagin sa Pinas - 6%
  • Health Insurance Tax o PhilHealth sa Pinas - 2.5% (effective October 1, 2010)
  • Yearly Registration para sa mga alien (exempted dapat aq dito at hindi ako alien) - $25 (Effective August 1, 2010)
  • Travel Tax kung ika'y palabas ng Palau - $20
Sa isang taon susuweldo ka ng $7200, bawasan ng ROB Tax na $432 ganun din ang ROB SS. Ibawas mo pa ang Health Insurance na $180, tapos $25 para sa Yearly Registration. Dahil sa sakit ng ulo sa bayarin, uuwi ka na after 1 year, bayad ka sa Airport ng $20 para sa Travel Tax.

Ito ang matitira sayo, $6111 para sa isang taong pagtatrabaho sa Palau.

Isama mo pa ang buwanan mong bayarin dahil naengganyo ka sa "Fly now, Pay Later" na pakulo ng ahensya sa Pilipinas.

Oh! Di ko pa pala naisama ang mga personal na gastusin gaya ng pagkain, ilaw, tubig, at kung minamalas ka pa sagot mo pa bahay mo, yung airtime na pang tawag o pang text sa Pinas, isama mo na rin. Ung pang internet mo, para naman makita mo sa webcam ung mga mahal mo dba. O ayan, Ikaw na bahalang mag compute!

Wag mo palang kalimutang magpadala sa mga naiwan mo sa Pinas! at iba pang gastusin na nakalimutan kong banggitin.

Kaya sa mga nagbabalak pumunta dito, mag isip kayong mabuti. Isaalang alang ang buwanang sweldo na daratnan dito dahil hindi porke't dolyar ay malake na...Pero kung susuweldo ka ng alam mong sapat o sobra para mabuhay ka at ang mga naiwan mo sa Pinas, siguro'y di mo na kailangang mag isip...Lipad na!

0 COMMENTS:

Post a Comment

The Philippines / KABLOGS Supporters (A - H) 27

The Philippines / KABLOGS Supporters (I - P) 48

The Philippines / KABLOGS Supporters (Q - Z) 14

  © Design by Ourblogtemplates.com Modified by LordCM January 2010

Back to TOP